‏ Nehemiah 7:4-73

Ang Talaan ng mga Tao na Bumalik mula sa Pagkabihag.

(Ezra 2:1-7)

4Napakalawak noon ng lungsod ng Jerusalem pero kakaunti lang ang mga naninirahan doon at kakaunti rin ang mga bahay. 5Kaya ipinaisip ng aking Dios sa akin na tipunin ang mga pinuno, mga opisyal, at iba pang mga naninirahan para maitala sila ayon sa bawat pamilya. Nakita ko ang listahan ng mga pamilya na unang bumalik mula sa pagkabihag. Ito ang nakatala roon:

6Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Ngayon, umalis na sila sa lugar na iyon at bumalik na sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda. 7Ang namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Azaria, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilshan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana.

Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:

8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24
25
The text of verses 8-Neh 7:25 has been merged.
Mga angkan nina:

Paros     2,172
Shefatia     372
Ara     652
Pahat Moab (mula sa mga pamilya ni Jeshua at ni Joab)     2,818
Elam     1,254
Zatu     845
Zacai     760
Binui     648
Bebai     628
Azgad     2,322
Adonikam     667
Bigvai     2,067
Adin     655
Ater (na tinatawag din na Hezekia)
na tinatawag din na Hezekia: o, na mga angkan ni Hezekia.
   
98
Hashum     328
Bezai     324
Harif
Harif: o, Jora.
   
112
Gibeon
Gibeon: o, Gibar.
   
95

26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37
38
The text of verses 26-Neh 7:38 has been merged.
Ito ang bilang ng mga tao na bumalik mula sa pagkabihag, na ang mga ninuno ay nakatira sa mga sumusunod na bayan:

Betlehem at Netofa     188
Anatot     128
Bet Azmavet     42
Kiriat Jearim, Kefira, at Beerot     743
Rama at Geba     621
Micmash     122
Betel at Ai     123
Nebo     52
Elam     1,254
Harim     320
Jerico     345
Lod, Hadid, at Ono     721
Senaa     3,930

39 40 41
42
The text of verses 39-Neh 7:42 has been merged.
Ito ang mga angkan ng mga pari na bumalik mula sa pagkabihag:

Mga angkan nina:

Jedaya (mula sa pamilya ni Jeshua)     973
Imer     1,052
Pashur     1,247
Harim     1,017

43 44
45
The text of verses 43-Neh 7:45 has been merged.
Ito ang mga lahi ng mga Levita na bumalik din mula sa pagkabihag:

Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavia)     74
Mga mang-aawit sa templo na mga angkan ni Asaf     148
Mga guwardya ng pintuan ng templo na mga angkan nina Shalum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Shobai     138

46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56
The text of verses 46-Neh 7:56 has been merged.
Ito ang mga angkan ng mga utusan sa templo na bumalik din mula sa pagkabihag: Ziha, Hasufa, Tabaot, Keros, Sia, Padon, Lebana, Hagaba, Shalmai, Hanan, Gidel, Gahar, Reaya, Rezin, Nekoda, Gazam, Uza, Pasea, Besai, Meunim, Nefusim, Bakbuk, Hakufa, Harhur, Bazlut, Mehida, Harsha, Barkos, Sisera, Tema, Nezia, at Hatifa.

57 58
59
In order to format the table contained in this verse correctly, it has been necessary to move the content of some adjacent verses into it.
Bumalik din mula sa pagkabihag ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon: Ang mga angkan nina Sotai, Soferet, Perida, Jaala, Darkon, Gidel, Shefatia, Hatil, Pokeret Hazebaim, at Ammon.

 60Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga utusan sa templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.

61
In order to format the table contained in this verse correctly, it has been necessary to move the content of some adjacent verses into it.
Mayroon ding bumalik sa Jerusalem mula sa mga bayan ng Tel Mela, Tel Harsha, Kerub, Adon, at Imer. Pero hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita:

 62Sila ang mga angkan nina Delaya, Tobia, at Nekoda 642

63Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobaya, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.) 64Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng kanilang mga ninuno, hindi sila tinanggap bilang mga pari. 65Sinabihan sila ng gobernador ng Juda na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkain na inihandog sa Dios hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng “Urim” at “Thummim”.
“Urim” at “Thummim”: dalawang bagay na ginagamit para malaman ang kalooban ng Panginoon.


66 67 68 69
The text of verses 66-Neh 7:69 has been merged.
Ang kabuuang bilang ng mga lalaki mula sa pagkabihag ay 42,360, hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7, 337 at mga mang-aawit na lalaki at babae na 245. May dala silang 736 na kabayo, 245 mola,
mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo.
435 kamelyo, at 6,720 asno.

70Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nag-ambag para sa muling pagpapatayo ng templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, 50 mangkok na gagamitin sa templo, at 530 pirasong damit para sa mga pari. 71Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay para sa ganitong gawain ng 168 kilong ginto at 1,200 kilong pilak. 72Ang kabuuang ibinigay ng iba pang mga tao ay 168 kilong ginto, 1,100 kilong pilak, at 67 pirasong damit para sa mga pari.

73Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa mga bayan na kung saan nagmula ang kanilang pamilya, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, ang mga mang-aawit, at ang mga utusan sa templo.

Copyright information for TglASD