‏ Matthew 9:18-26

Ang Anak ng Pinuno at ang Babaeng Dinudugo

(Mar. 5:21-43; Luc. 8:40-56)

18Habang sinasabi niya ang mga ito, dumating ang isang namumuno ng sambahan ng mga Judio. Lumuhod ito sa kanyang harapan at sinabi, “Kamamatay lang po ng anak kong babae, pero kung pupuntahan nʼyo siya at ipapatong ang inyong kamay sa kanya, mabubuhay siyang muli.” 19Kaya tumayo si Jesus at sumama sa kanya, pati na rin ang mga tagasunod niya. 20Habang naglalakad sila, lumapit sa likuran ni Jesus ang isang babae na 12 taon nang dinudugo, at hinipo niya ang laylayan
laylayan: o, palawit; sa Ingles, tassel. Tingnan sa Bil. 15:37-39 at Deu. 22:12.
ng damit ni Jesus.
21Sapagkat sinabi ng babae sa kanyang sarili, “Mahipo ko lang ang damit niya ay gagaling na ako.” 22Lumingon si Jesus at pagkakita sa babae ay sinabi, “Anak, lakasan mo ang loob mo. Pinagaling
Pinagaling: o, Iniligtas.
ka ng iyong pananampalataya.” At gumaling nga ang babae nang sandaling iyon.

23Nang dumating na si Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta sa libing at ang maraming taong nagkakaingay. 24Sinabi niya, “Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata; natutulog lang siya.” Pinagtawanan nila si Jesus. 25Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok si Jesus at hinawakan sa kamay ang bata, at bumangon ito. 26Kumalat ang balitang ito sa buong lugar na iyon.

Copyright information for TglASD