Matthew 26:26-30
Huling Hapunan ni Jesus
(Mar. 14:22-26; Luc. 22:14-20; 1 Cor. 11:23-25)
26Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay. Nagpasalamat siya sa Dios at pagkatapos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga tagasunod niya. Sinabi niya, “Kunin ninyo at kainin; ito ang aking katawan.” 27Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, ▼▼inumin: sa literal, baso o, kopa.
nagpasalamat sa Dios, at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Uminom kayong lahat nito, 28dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong ▼▼Hindi makikita ang salitang “bago” sa ibang tekstong Griego.
kasunduan ng Dios sa mga tao. 29Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng aking Ama. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong klase ng inumin kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama.” 30Umawit sila ng papuri sa Dios, at pagkatapos ay pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.
Copyright information for
TglASD