Matthew 24:15-28
Ang Kasuklam-suklam na Darating
(Mar. 13:14-23; Luc. 21:20-24)
15“Nagsalita si Propeta Daniel tungkol sa kasuklam-suklam na darating na magiging dahilan ng pag-iwan sa templo. (Kayong mga bumabasa, unawain ninyo itong mabuti!) Kapag nakita na ninyong nasa loob na ito ng templo, ▼▼templo: sa literal, banal na lugar.
16ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan. 17Ang nasa labas ng bahay ▼▼labas ng bahay: sa literal, bubungan.
ay huwag nang pumasok para kumuha ng anumang gamit. 18Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit. 19Kawawa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil mahihirapan silang tumakas. 20Idalangin ninyo na ang pagtakas nʼyo ay hindi mataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21Sapagkat sa mga panahong iyon, makakaranas ang mga tao ng napakatinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula nang likhain ang mundo hanggang ngayon, at wala nang mangyayari pang ganoon kahit kailan. 22Kung hindi paiikliin ▼▼paiikliin: o, pinaikli.
ng Dios ang panahong iyon, walang matitirang buhay. Ngunit alang-alang sa kanyang mga pinili, paiikliin niya ang panahong iyon. 23“Kapag may nagsabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. 24Sapagkat lilitaw ang mga di tunay na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kagila-gilalas na himala at kababalaghan upang malinlang, kung maaari, pati ang mga pinili ng Dios. 25Tandaan ninyo ang mga ito! Binibigyan ko na kayo ng babala habang hindi pa nangyayari ang mga ito.
26“Kaya kung may magsabi sa inyo, ‘Naroon ang Cristo sa ilang!’ huwag kayong pupunta roon. At kung may magsabing, ‘Nariyan siya sa silid!’ ▼
▼Nariyan siya sa silid: Maaaring ang ibig sabihin, nandoon siya kasama ng kanyang sekretong grupo.
huwag kayong maniniwala. 27Sapagkat ako na Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag mula sa silangan hanggang sa kanluran na makikita ng lahat. 28May kasabihan na, ‘Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.’ ” ▼▼buwitre: sa Ingles vulture, isang malaking ibon na kumakain ng bangkay.
Copyright information for
TglASD