‏ Matthew 16:13-20

Ang Pahayag ni Pedro Tungkol kay Jesus

(Mar. 8:27-30; Luc. 9:18-21)

13Nang makarating si Jesus sa lupain ng Cesarea Filipos, tinanong niya ang kanyang mga tagasunod, “Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin na Anak ng Tao?” 14Sumagot sila, “May mga nagsasabing kayo po si Juan na tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing kayo si Jeremias o isa sa mga propeta.” 15Tinanong sila ni Jesus, “Pero sa inyo, sino ako?” 16Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay.” 17Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pinagpala ka ng Dios, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit. 18At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro,
Pedro: Ang ibig sabihin, bato.
at sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya,
iglesya: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.
kapangyarihan ng kamatayan: sa literal, pintuan ng Hades.
19Ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihan
kapangyarihan: sa literal, mga susi.
sa kaharian ng Dios.
Dios: sa literal, langit.
Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.”
20Pagkatapos nito, sinabihan ni Jesus ang mga tagasunod niya na huwag nilang ipaalam kahit kanino na siya ang Cristo.

Copyright information for TglASD