‏ Matthew 13:1-9

Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik

(Mar. 4:1-9; Luc. 8:4-8)

1Nang araw ding iyon, lumabas ng bahay si Jesus at naupo sa tabi ng lawa. 2Napakaraming tao ang nagtipon sa paligid niya, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon umupo, habang ang mga tao namaʼy nasa dalampasigan. 3Marami siyang itinuro sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga o paghahalintulad. Sinabi niya,

“May isang magsasakang naghasik ng binhi.
4Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga binhing iyon. 5May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar, kung saan walang gaanong lupa. Mabilis na tumubo ang binhi dahil mababaw ang lupa. 6Ngunit natuyo rin ito nang masikatan ng araw, at dahil hindi malalim ang ugat, namatay ito. 7May mga binhi namang nahulog sa lupang may matitinik na damo. Lumago ang mga damo at natakpan ang mga tumubong binhi. 8Ang iba namaʼy nahulog sa mabuting lupa, lumago at namunga. Ang ibaʼy napakarami ng bunga, ang ibaʼy marami-rami, at ang iba namaʼy katamtaman lang.
Ang ibaʼy … lang: sa literal, Ang ibaʼy 100, ang ibaʼy 60, at ang iba namaʼy 30.
9Kayong mga nakikinig, dapat ninyo itong pag-isipan!”
sa literal, Ang may tainga ay dapat makinig!


Copyright information for TglASD