‏ Mark 9:2-8

Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus

(Mat. 17:1-13; Luc. 9:28-36)

2Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan sa isang mataas na bundok. Sila lang ang naroon. At habang nakatingin sila kay Jesus, nagbago ang kanyang anyo. 3Naging puting-puti ang damit niya at nakakasilaw tingnan. Walang sinuman dito sa mundo na makakapagpaputi nang katulad noon. 4At nakita nila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Jesus. 5Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabutiʼt narito po kami!
kami: o, tayo.
Gagawa kami ng tatlong kubol:
kubol: sa Ingles, “temporary shelter.”
isa po para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”
6Ito ang nasabi niya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sapagkat sila ay takot na takot. 7Pagkatapos, tinakpan sila ng ulap. At may narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!” 8Tumingin sila agad sa paligid, pero wala nang ibang naroon kundi si Jesus na lang.

Copyright information for TglASD