‏ Mark 4:21-25

Ang Talinghaga tungkol sa Ilaw

(Luc. 8:16-18)

21Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan o ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan. 22Ganoon din naman, walang nakatagong hindi malalantad, at walang lihim na hindi mabubunyag.
Maaaring ang lihim na tinutukoy dito ay ang tungkol sa paghahari ng Dios na kailangang ihayag.
23Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan.”
Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan: sa literal, Ang may taingang nakakarinig ay dapat makinig.
24Sinabi pa niya, “Makinig kayong mabuti sa sinasabi ko. Bibigyan kayo ng Dios ng pang-unawa ayon sa inyong pakikinig,
Bibigyan … pakikinig: sa literal, Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo.
at dadagdagan pa niya ito.
25Sapagkat ang taong sumusunod sa narinig niyang katotohanan ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi sumusunod sa katotohanan, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya.”

Copyright information for TglASD