Mark 4:10-12
Ang Layunin ng mga Talinghaga
(Mat. 13:10-17; Luc. 8:9-10)
10Nang nakauwi na ang mga tao, tinanong siya ng 12 apostol at ng iba pang mga tagasunod niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon. 11Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios, ngunit sa iba ▼▼sa iba: sa literal, sa mga nasa labas. Maaaring ang mga tinutukoy dito ay ang mga nasa labas ng kanilang grupo o ang mga hindi sumasampalataya kay Jesus.
ay ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, 12upang matupad ang nakasulat sa Kasulatan,‘Tumingin man sila nang tumingin, hindi sila makakakita.
Makinig man sila nang makinig, hindi sila makakaunawa.
Dahil kung makakaunawa sila, magsisisi sila sa kanilang kasalanan at patatawarin sila ng Dios.’ ▼
▼Isa. 6:9-10.
”
Copyright information for
TglASD