Mark 3:13-19
Pumili si Jesus ng Labindalawang Apostol
(Mat. 10:1-4; Luc. 6:12-16)
13Pagkatapos, umakyat si Jesus sa bundok at tinawag niya ang mga taong nais niyang piliin. At lumapit sila sa kanya. 14Pumili siya ng 12 [na tinawag niyang mga apostol] upang makasama niya at suguing mangaral. 15Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu. 16[Ito ang 12 apostol na kanyang pinili:] si Simon na tinawag niyang Pedro, 17sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedee (tinawag niya silang Boanerges na ang ibig sabihin ay mga anak ng kulog), 18si Andres, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeus, si Tadeus, si Simon na makabayan ▼▼makabayan: Si Simon ay naging kabilang sa grupo ng mga Judiong lumalaban sa mga taga-Roma.
19at si Judas Iscariote na siyang nagtraydor kay Jesus nang bandang huli.
Copyright information for
TglASD