Mark 1:40-45
Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaking May Malubhang Sakit sa Balat
(Mat. 8:1-4; Luc. 5:12-16)
40Lumapit kay Jesus ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat. ▼▼malubhang sakit sa balat: Sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang Griegong salita nito ay ginamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13.
Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawang pagalingin siya. Sinabi niya, “Kung gusto nʼyo po, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.” ▼▼upang maituring akong malinis: Kapag gumaling na ang taong may malubhang sakit sa balat, kinakailangan niyang magpasuri sa pari at sumailalim sa isang seremonya upang maituring na malinis.
41Naawa si Jesus sa kanya. Kaya hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Gusto ko. Luminis ka!” 42Gumaling agad ang sakit niya, at siya ay luminis. 43– 44Pinaalis siya agad ni Jesus at binilinan, “Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay na malinis ka na.” 45Pero pagkaalis niya, ipinamalita niya ang nangyari sa kanya. Kaya kumalat ang balitang ito hanggang sa hindi na lantarang makapasok si Jesus sa mga bayan dahil pinagkakaguluhan siya ng mga tao. Kaya roon na lang siya nanatili sa mga ilang. Pero pumupunta pa rin doon ang mga tao mula sa ibaʼt ibang lugar.
Copyright information for
TglASD