‏ Luke 22:39-46

Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo

(Mat. 26:36-46; Mar. 14:32-42)

39Lumabas si Jesus sa Jerusalem, at gaya ng nakaugalian niya, pumunta siya sa Bundok ng mga Olibo. Sumama rin ang mga tagasunod niya. 40Pagdating nila roon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.” 41Iniwan niya ang mga tagasunod niya at lumayo nang kaunti.
nang kaunti: sa literal, ng isang hagis ng bato.
Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin,
42“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating.
ang mga paghihirap na darating: sa literal, ang kopang ito.
Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”
43[Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas siya. 44Dahil sa paghihirap ng kanyang kalooban, lalo siyang nanalangin nang taimtim, at ang mga pawis niya ay parang dugo na tumutulo sa lupa.]

45Pagkatapos, tumayo siya at binalikan ang mga tagasunod niya, pero nadatnan niya silang natutulog dahil napagod sila sa matinding paghihinagpis. 46Kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso.”

Copyright information for TglASD