‏ Luke 22:14-20

Huling Hapunan ni Jesus

(Mat. 26:26-30; Mar. 14:22-26; 1 Cor. 11:23-25)

14Pagdating ng oras ng hapunan, kumain si Jesus at ang kanyang mga apostol. 15Sinabi ni Jesus sa kanila, “Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako maghirap. 16Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Dios.” 17Pagkatapos, kumuha siya ng inumin,
inumin: sa literal, kopa. Ganito rin sa talatang 20.
nagpasalamat sa Dios, at sinabi sa kanila, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian.
18Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Dios” 19Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Dios ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at nagpasalamat sa Dios, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.

Copyright information for TglASD