Luke 21:29-33
Ang Aral Mula sa Puno ng Igos
(Mat. 24:32-35; Mar. 13:28-31)
29Ikinuwento sa kanila ni Jesus ang paghahalintulad na ito: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ang iba pang punongkahoy. 30Kapag nagkakadahon na ang mga ito alam ninyong malapit na ang tag-init. 31Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Dios. 32Sinasabi ko sa inyo ang totoo, matutupad ang lahat ng ito bago mawala ang henerasyong ito. 33Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.” ▼▼ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman: ibig sabihin, tiyak na matutupad.
Copyright information for
TglASD