Luke 2:1-7
Ang Kapanganakan ni Jesus
(Mat. 1:18-25)
1Nang mga panahong iyon, ang Emperador ng Roma na si Augustus ay gumawa ng kautusan na dapat magpatala ang lahat ng mga mamamayan ng bansang nasasakupan niya. 2(Ito ang kauna-unahang sensus na naganap nang si Quirinius ang gobernador sa lalawigan ng Syria.) 3Kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista.4Mula sa Nazaret na sakop ng Galilea, pumunta si Jose sa Betlehem na sakop ng Judea, sa bayang sinilangan ni Haring David, dahil nagmula siya sa angkan ni David. 5Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na noon ay malapit nang manganak. 6At habang naroon sila sa Betlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria. 7Isinilang niya ang panganay niya, na isang lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban, dahil walang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.
Copyright information for
TglASD