John 1:19-28
Ang Patotoo ni Juan tungkol kay Jesus
(Mat. 3:1-12; Mar. 1:1-8; Luc. 3:1-18)
19– 20Pinapunta ng mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang mga pari at Levita upang tanungin si Juan kung sino talaga siya. Tinapat sila ni Juan. Sinabi niya, “Hindi ako ang Cristo.” 21Nagtanong sila, “Kung ganoon, sino ka? Ikaw ba si Propeta Elias?” Sumagot siya, “Hindi.” Tinanong pa nila si Juan, “Ikaw ba ang Propeta na ipinangakong darating?” “Hindi rin,” sagot ni Juan. 22“Kung ganoon, sino ka talaga? Sabihin mo sa amin para may maisagot kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa sarili mo?” 23Sumagot si Juan, “Ako ang taong binanggit ni Propeta Isaias nang sabihin niya,‘Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang na nagsasabi,
Tuwirin ninyo ang dadaanan ng Panginoon.’ ” ▼
▼Isa. 40:3.
24Ang mga nagsugo sa mga taong pumunta kay Juan ay mga Pariseo. ▼
▼o, Ang ilan sa mga inutusang pumunta kay Juan ay mga Pariseo.
25Tinanong nila ulit si Juan, “Bakit ka nagbabautismo kung hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?” 26Sumagot si Juan, “Nagbabautismo ako sa tubig, ngunit may nakatayong kasama ninyo na hindi ninyo nakikilala. 27Siya ang sinasabi kong darating na kasunod ko, at ni hindi man lang ako karapat-dapat na maging alipin niya.” ▼▼Hindi … alipin niya: sa literal, Hindi man lang ako karapat-dapat na magkalag ng tali ng kanyang sandalyas.
28Nangyari ito sa Betania, sa kabila ng Ilog ng Jordan, kung saan nagbabautismo si Juan.
Copyright information for
TglASD