Genesis 36:20-30
Ang mga Lahi ni Seir
(1 Cro. 1:38-42)
20Ito ang mga anak na lalaki ni Seir na Horeo na nakatira sa Edom: Si Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, 21Dishon, Ezer at Dishan. Naging pinuno rin sila ng mga Horeo na nakatira sa Edom.22Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Heman. ▼
▼Heman: o, Homam.
Si Lotan ay mayroong kapatid na babae na si Timna na isa pang asawa ni Elifaz. 23Ang mga anak na lalaki ni Shobal ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Shefo at Onam.
24Ang mga anak na lalaki ni Zibeon ay sina Aya at Ana. Si Ana ang nakatuklas ng bukal doon sa ilang habang nagpapastol siya ng mga asno ng kanyang ama.
25Ang mga anak ni Ana ay sina Dishon at Oholibama.
26Ang mga anak na lalaki ni Dishon ay sina Hemdan, Eshban, Itran at Keran.
27Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan at Akan.
28Ang mga anak na lalaki ni Dishan ay sina Uz at Aran.
29– 30Ito naman ang mga pinuno batay sa bawat lahi ng mga Horeo na may pinamamahalaang lupain sa Seir: sina Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer at Dishan.
Copyright information for
TglASD