‏ Exodus 37:1-9

Ang Paggawa ng Kahon ng Kasunduan

(Exo. 25:10-22)

1Ginawa nina Bezalel ang Kahon ng Kasunduan. Kahoy ng akasya ang ginamit nila. May 45 pulgada ang haba ng Kahon, 27 pulgada ang lapad at taas nito. 2Binalutan ito ng purong ginto sa loob at labas, at nilagyan ng hinulmang ginto ang mga palibot nito. 3Ginawaan din nila ito ng apat na argolyang
argolya: Tingnan ang “footnote” sa 36:34.
ginto at ikinabit sa apat na paa nito.
4Gumawa sila ng tukod na akasya na binalutan ng ginto. 5Ikinabit nila ang mga argolya sa bawat gilid ng Kahon para mabuhat ang Kahon sa pamamagitan ng mga tukod.

6Ginawaan din nila ang Kahon ng takip na purong ginto. May 45 pulgada ang haba at 27 pulgada ang lapad. 7 8Gumawa rin sila ng dalawang gintong kerubin, at inilagay sa bawat dulo ng takip ng Kahon. 9Nakalukob ang mga pakpak ng mga kerubin sa ibabaw ng takip para maliliman nila ito. Magkaharap ang dalawang kerubin at nakatingin sa takip.

Copyright information for TglASD