‏ Exodus 27:1-8

Ang Altar na Pagsusunugan ng Handog

(Exo. 38:1-7)

1“Magpagawa ka ng altar na gawa sa akasya. Pitoʼt kalahating talampakan ang haba, pitoʼt kalahating talampakan din ang lapad, at apat at kalahating talampakan ang taas. 2Palagyan ito ng parang mga sungay sa apat na sulok, na kasama nang ginawa nang gawin ang altar. Pabalutan ng tanso ang altar. Ang lahat ng kagamitan ng altar ay kailangang gawa sa tanso – 3ang mga lalagyan ng abo, pala, mangkok, malalaking tinidor para sa karne at mga lalagyan ng baga. 4Magpagawa ka rin ng parilyang tanso para sa altar, at lagyan ito ng argolyang
argolya: Tingnan ang “footnote” sa 26:29.
tanso sa bawat sulok.
5Pagkatapos, ilagay mo ito sa ilalim ng altar, sa patungan nito sa bandang gitna ng altar. 6Magpagawa ka rin ng tukod na pambuhat sa altar. Kailangang galing ito sa kahoy na akasya, at nababalutan ng tanso. 7Ipasok ang tukod sa argolya sa bawat gilid ng altar para mabuhat ang altar. 8Ang ipapagawa mong altar ay tabla at dapat bakante sa loob. Ipagawa ito ayon sa planong sinabi ko sa iyo roon sa bundok.

Copyright information for TglASD