‏ 1 Chronicles 1:5-23

Ang Lahi ni Jafet

5Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. 6Si Gomer ay may mga anak din na lalaki na sina Ashkenaz, Rifat,
Rifat: o, Difat.
at Togarma.
7Ang mga anak na lalaki ni Javan ay sina Elisha, Tarshish, Kitim at Rodanim.
Rodanim: o, Dodanim.


Ang Lahi ni Ham

8Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cush, Mizraim,
Mizraim: o, Egipto. Tingnan sa Gen. 10:5.
Put, at Canaan.
9Si Cush ay may mga anak ding lalaki na sina Sheba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Dedan. 10May isa pang anak si Cush na ang pangalan ay Nimrod na naging magiting na sundalo sa mundo.

11Si Mizraim ang pinagmulan ng mga Ludeo, Anameo, Lehabeo, Naftu, 12Patruseo, Caslu, at mga Caftoreo na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.

13Si Canaan ang ama nina Sidon at Het.
Sidon at Het: Si Sidon ang pinagmulan ng mga Sidoneo at ang pinagmulan ng mga Heteo ay si Het.
Si Sidon ang panganay.
14Si Canaan ang siya ring pinagmulan ng mga Jebuseo, Amoreo, Girgaseo, 15Hiveo, Arkeo, Sineo, 16Arvadeo, Zemareo at Hamateo.

Ang Lahi ni Shem

17Ang mga anak na lalaki ni Shem: sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram. Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina,
Ang mga anak … sina: Hindi ito makikita sa halos karamihan ng tekstong Hebreo.
Uz, Hul, Geter at Meshec.
Meshec: o, Mash.
18Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Eber. 19May dalawang anak na lalaki si Eber: ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang mga tao sa mundo ay nagkahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joktan. 20Si Joktan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jera, 21Hadoram, Uzal, Dikla, 22Obal,
Obal: o, Ebal.
Abimael, Sheba,
23Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ay anak na lalaki ni Joktan.

Copyright information for TglASD