‏ Psalms 126

Dalangin para Iligtas

1Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zion ang mga nabihag,
mga nabihag: o, kaunlaran at katahimikan.
parang itoʼy panaginip lang.
2Kami ay nagtawanan at nag-awitan dahil sa kagalakan.
At sinabi ng mga bansang hindi kumikilala sa Panginoon,
“Gumawa ng dakilang bagay ang Panginoon sa kanila.”
3Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon,
at punong-puno tayo ng kagalakan.

4 Panginoon, muli nʼyo kaming paunlarin,
tulad ng tuyong batis na muling nagkaroon ng tubig.
5Silang nagtatanim na lumuluha ay mag-aaning tuwang-tuwa.
6Ang umalis na lumuluha, na may dalang binhi na itatanim ay babalik na masaya, na may dala-dalang mga ani.
Copyright information for TglASD
The selected Bible will not be clickable as it does not support the Vocabulary feature. The vocabulary is available by hovering over the verse number.