Psalms 2
Ang Haring Hinirang ng Panginoon
1Bakit nagsipagtipon ang mga bansa sa pagpaplano ng masama?Bakit sila nagpaplano ng wala namang patutunguhan?
2Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama,
at nagsipaghanda sa pakikipaglaban sa Panginoon,
at sa hari na kanyang hinirang.
3Sinabi nila,
“Huwag tayong pasakop o sumunod man sa kanilang pamamahala!”
4Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila.
5Sa galit ng Dios, silaʼy binigyang babala,
at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot.
6Sinabi niya,
“Iniluklok ko na ang hinirang kong hari sa kanyang trono sa Zion, ▼
▼Zion: o, Jerusalem.
sa banal kong bundok.”7 Sinabi ng hari na hinirang ng Dios,
“Sasabihin ko ang sinabi sa akin ng Panginoon: ‘Ikaw ang Anak ko,
at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama. ▼
▼ako ang iyong Ama: o, ipinapakilala mong ama mo ako.
8Hilingin mo sa akin ang mga bansa sa buong mundo,
at ibibigay ko ito sa iyo bilang mana mo.
9Pamumunuan mo sila,
at walang sasalungat sa iyong pamamahala.
Silaʼy magiging parang palayok na iyong dudurugin.’ ”
10Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo,
unawain ninyo ang mga salitang ito at pakinggan ang mga babala laban sa inyo.
11Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot,
at magalak kayo sa kanya.
12Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang,
kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya.
Mapalad ang mga nanganganlong sa Panginoon.
Copyright information for
TglASD