Psalms 108
Panalangin para Tulungan ng Dios
(Salmo 57:7-11; 60:5-12)
1O Dios, lubusan akong nagtitiwala sa inyo.Buong puso kitang aawitan ng mga papuri.
2Gigising ako ng maaga
at ihahanda ko ang alpa at mga instrumentong may mga kwerdas.
3 Panginoon, pupurihin kita sa gitna ng mga bansa.
Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna ng inyong mga mamamayan.
4Dahil napakadakila at walang kapantay ang pag-ibig nʼyo at katapatan.
5O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitan at sa buong mundo.
6Iligtas nʼyo kami sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
Pakinggan nʼyo kami,
upang kaming mga iniibig nʼyo ay maligtas.
7O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo,
“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang Lambak ng Sucot,
para ipamigay sa aking mga mamamayan.
8Sa akin ang Gilead at Manase,
ang Efraim ay gagawin kong tanggulan ▼
▼tanggulan: sa literal, helmet.
at ang Juda ang aking tagapamahala. ▼
▼tagapamahala: sa literal, setro ng hari.
9Ang Moab ang aking utusan ▼
▼utusan: sa literal, planggana na panghugas ng mukha, kamay at paa.
at ang Edom ay sa akin din. ▼▼sa akin din: o, aking alipin. Sa literal, tatapunan ko ng aking sandalyas.
Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”
10Sinong magdadala sa akin sa Edom
at sa lungsod nito na napapalibutan ng pader?
11Sino na ang makakatulong, O Dios, ngayong itinakwil nʼyo na kami?
Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal.
12Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway,
dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.
13Sa tulong nʼyo, O Dios,
kami ay magtatagumpay
dahil tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.
Copyright information for
TglASD