‏ Proverbs 30

Ang mga Kawikaan ni Agur

1Ito ang mga kawikaan ni Agur na anak ni Jakeh na taga-Masa. Sinabi niya ito kina Itiel at Ucal:

2“Ako ang pinakamangmang sa lahat ng tao.
Ang isip koʼy parang hindi sa tao.
3Hindi ako natuto ng karunungan,
at tungkol naman sa Dios ay wala akong nalalaman.
4May tao bang nakaakyat na sa langit at bumaba sa mundo?
May tao bang nakadakot ng hangin sa kanyang mga kamay o kaya ay nakabalot ng tubig sa kanyang damit?
May tao bang nakapaglagay ng hangganan sa mundo?
Kung may kilala ka, sabihin mo sa akin ang kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang anak.
5Ang bawat salita ng Dios ay tunay na mapagkakatiwalaan.
Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.
6Huwag mong dadagdagan ang kanyang mga salita,
dahil kung gagawin mo ito, sasawayin ka niya at ipapakita na ikaw ay sinungaling.”
7 Panginoon, may dalawang bagay akong hihilingin sa inyo. Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin bago ako mamatay. 8Una, tulungan nʼyo ako na huwag magsinungaling. Pangalawa, huwag nʼyo akong payamanin o pahirapin, sa halip bigyan nʼyo lamang ako ng sapat para sa aking mga pangangailangan. 9Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kayo kailangan; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.

Dagdag pang mga Kawikaan

10Huwag mong sisiraan ang katulong sa harap ng kanyang amo, baka isumpa ka niya at magdusa ka.
11May mga anak na hindi nananalangin sa Dios na pagpalain ang kanilang mga magulang, sa halip sinusumpa pa nila sila.
12May mga tao na ang tingin sa sarili ay tunay na perpekto, ngunit ang totoo ang buhay nila ay madumi.
13May mga taong mapagmataas na kung tumingin akala mo kung sino.
14May mga tao namang sakim at napakalupit, pati mahihirap ay kanilang ginigipit.
15Ang mga taong sakim ay parang linta. Ang laging sinasabi ay, “Bigyan mo ako!”
May apat
May apat: sa Hebreo, May tatlo o apat.
na bagay na hindi kontento:
16ang libingan,
ang babaeng baog,
ang lupang walang tubig,
at ang apoy.
17Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya. 18May apat
May apat: sa Hebreo, May tatlo o apat.
na bagay na para sa akin ay kahanga-hanga at hindi ko maunawaan:

19Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan,
kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan,
kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan,
at ang pamamaraan ng lalaki sa babae.
20Ganito ang ginagawa ng babaeng nagtataksil sa kanyang asawa: Sumisiping siya sa ibang lalaki pagkatapos sasabihin niyang wala siyang ginagawang masama.

21May apat
May apat: sa Hebreo, May tatlo o apat.
na bagay na hindi matanggap ng mga tao sa mundo:

22 23Ang aliping naging hari,
ang mangmang na sagana sa pagkain,
ang babaeng masungit na nakapag-asawa,
at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo.
24May apat na hayop dito sa mundo na maliit ngunit may pambihirang kaisipan:

25Ang mga langgam, kahit mahina, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw.
26Ang mga badyer,
badyer: sa Ingles, badger.
kahit mahihina sila, nakagagawa sila ng kanilang tirahan sa mabatong lugar.
27Ang mga balang, kahit walang namumuno, maayos na lumilipad nang sama-sama.
28Ang mga butiki, kahit madaling hulihin ng kamay, matatagpuan kahit sa palasyo ng hari.
29May apat
May apat: sa Hebreo, May tatlo o apat.
na nilalang na akala mo kung sino kapag lumakad:

30ang leon (pinakamatapang sa lahat ng hayop at walang kinatatakutan),
31ang tandang,
ang lalaking kambing,
at ang haring nangunguna sa kanyang mga kawal.
32Kung sa kahangalan moʼy nagmamayabang ka at nagbabalak ng masama, tigilan mo na iyan! 33Hindi ba kapag hinalo nang hinalo ang malapot na gatas ay magiging mantikilya?
mantikilya: Ang ibig sabihin dito ay ang “butter”.
Hindi ba kapag sinuntok mo ang ilong ng isang tao ay magdurugo ito? Kaya kapag ginalit mo ang tao tiyak na magkakaroon ng gulo.

Copyright information for TglASD