Proverbs 22
1Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan kaysa sa maraming kayamanan. Ang paggalang ng tao sa iyo ay mas mahalaga pa kaysa pilak at ginto.2Ang Panginoon ang lumikha sa tao, mayaman man o mahirap.
3Ang taong may pang-unawa ay umiiwas kung may panganib, ngunit ang hangal ay sumusuong sa panganib, kaya napapahamak.
4Ang paggalang sa Panginoon at pagpapakumbaba ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay, kayamanan at karangalan.
5Lumalakad ang taong masama sa daang matinik at may mga patibong. Ang nag-iingat sa sarili ay umiiwas sa daang iyon.
6Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.
7Ang mahihirap ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mayayaman, at ang nangungutang ay alipin ng nagpapautang.
8Ang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan, at matitigil na ang kanyang pamiminsala sa iba.
9Ang nagbibigay ng pagkain sa dukha ay tiyak na pagpapalain.
10Kapag pinalayas mo ang mga taong nanunuya, mawawala na ang alitan, kaguluhan at pang-iinsulto.
11Ang taong may malinis na puso at mahinahon magsalita ay magiging kaibigan ng hari.
12Binabantayan ng Panginoon ang mga taong may karunungan, ngunit sinisira niya ang plano ng mga taksil.
13Ang taong tamad ay laging may dahilan, sinasabi niyang baka siya ay lapain ng leon sa daan.
14Salita ng masamang babae ay parang malalim na hukay, at doon nahuhulog ang kinamumuhian ng Panginoon.
15Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit magiging matuwid sila kung didisiplinahin.
16Ang nagreregalo sa mayaman o nang-aapi sa mahihirap para yumaman ay hahantong din sa karalitaan.
Ang 30 Mahalagang Kawikaan
17Pakinggan mo ang mga sinasabi ng marurunong. Pakinggan mong mabuti habang itinuturo ko ito sa iyo, 18dahil magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan kung malalaman mo ito at masasaulo. 19Itinuturo ko ito sa iyo ngayon upang magtiwala ka sa Panginoon.20Ang 30 Kawikaang ito na isinulat ko ay magdudulot sa iyo ng mga karunungan at payo. 21Sa pamamagitan nitoʼy malalaman mo ang mga katotohanan at masasagot mo ang mga magtatanong sa iyo. ▼
▼magtatanong sa iyo: sa literal, nagsugo sa iyo.
… 1 …
22Huwag mong abusuhin ang mga mahihirap o apihin man sila sa mga hukuman, 23sapagkat ipagtatanggol sila ng Panginoon. Anuman ang gawin ninyong masama sa kanila ay gagawin din niya sa inyo.… 2 …
24Huwag kang makipagkaibigan sa taong madaling magalit, 25baka mahawa ka sa kanya, at mabulid sa ganoong pag-uugali.… 3 …
26Huwag kang mangangako na magbabayad sa utang ng iba, 27dahil kapag hindi ka nakabayad, kukunin nila pati ang higaan mo.… 4 …
28Huwag mong aalisin ang mga muhon ▼▼muhon: Tanda ito ng hangganan ng lupa. Kung sa Ingles, landmark o boundary marker.
na inilagay noon ng mga ninuno mo. … 5 …
29Ang taong mahusay magtrabaho ay maglilingkod sa mga hari at hindi sa pangkaraniwang tao.
Copyright information for
TglASD