Proverbs 18
1Ang taong makasarili ay humihiwalay sa karamihan at sumasalungat sa lahat ng tamang kaisipan.2Ang taong hangal ay hindi naghahangad na matuto; ang gusto lang niya ay masabi ang nasa isipan.
3Ang paggawa ng kasamaan at nakakahiyang mga bagay ay makapagbibigay ng kahihiyan.
4Ang salita ng taong marunong ay nakapagbibigay ng karunungan sa iba; ito ay katulad ng tubig na umaagos mula sa malalim na batis.
5Hindi mabuti na kampihan ang taong nagkasala at hindi mabuti na ipagkait ang katarungan sa taong walang kasalanan.
6Ang sinasabi ng taong hangal ang pinagsisimulan ng alitan at magdadala sa kanya sa kaguluhan.
7Ang salita ng hangal ang maglalagay sa kanya sa panganib at kapahamakan.
8Ang tsismis ay gaya ng pagkaing masarap nguyain at lunukin.
9Ang taong tamad ay kasingsama ng taong mapanira.
10Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.
11Ang akala ng taong mayaman ay maipagtatanggol siya ng kanyang kayamanan gaya ng mga pader na nakapalibot sa buong bayan.
12Ang pagmamataas ng tao ang magpapahamak sa kanya, ngunit ang pagpapakumbaba ang magpaparangal sa kanya.
13Hangal at kahiya-hiya ang taong sumasagot sa usapan ng hindi muna nakikinig.
14Sa taong may karamdaman, tatag ng loob ang magbibigay kalakasan. Kung mawawalan siya ng pag-asa, wala nang makatutulong pa sa kanya.
15Ang taong marunong at nakauunawa ay lalo pang naghahangad ng karunungan.
16Madaling makikipagkita sa iyo ang dakilang tao kapag may dala kang regalo para sa kanya.
17Ang unang naglahad ng salaysay sa korte ay parang iyon na ang totoo, hanggang hindi pa nasusuri at natatanong ng kabilang panig.
18Napapatigil ng palabunutan ang mga alitan, at pinagkakasundo ang mahigpit na magkalaban.
19Mas madali pang sakupin ang isang napapaderang bayan kaysa sa makipagbati sa kapatid ▼
▼kapatid: o, kamag-anak; o, kapwa.
na nasaktan.Kung paanong mahirap wasakin ang mga kandado ng tarangkahan ng palasyo, mahirap din pigilin ang alitan ng dalawang tao.
20Aanihin mo ang bunga ng iyong mga sinasabi.
21Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay makamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.
22Kung nakapag-asawa ka, nakatanggap ka ng kabutihan, at ito ang nagpapakita na mabuti ang Panginoon sa iyo.
23Nakikiusap ang dukha, ngunit ang mayaman ay masakit magsalita.
24May mga pagkakaibigang hindi nagtatagal, ngunit may pagkakaibigan din na higit pa sa magkapatid ang pagsasamahan.
Copyright information for
TglASD