Philemon
1Mula kay Pablo na nakabilanggo dahil kay Cristo Jesus, kasama si Timoteo na ating kapatid.Filemon, aming minamahal na kamanggagawa sa Panginoon, 2kasama si Afia na ating kapatid, si Arkipus na kapwa natin sundalo ni Cristo, at ang mga mananampalatayang nagtitipon ▼
▼mga mananampalatayang nagtitipon: sa literal, iglesya.
sa iyong tahanan sa pagsamba sa Dios: 3Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Pag-ibig at Pananampalataya ni Filemon
4Lagi akong nagpapasalamat sa Dios sa tuwing ipinapanalangin kita, 5dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga pinabanal ▼▼pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya.
ng Dios. 6Idinadalangin ko na sana ang pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya, ▼▼pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya: o, pagbabahagi mo ng iyong pananampalataya.
ay magpatuloy habang lumalago ang iyong pang-unawa sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay sa atin dahil tayoʼy nakay Cristo. 7Minamahal kong kapatid, labis na nagbigay kagalakan at kaaliwan sa akin ang iyong pagmamahal sa mga mananampalataya na nagpasigla sa kanila. Ang Hiling ni Pablo para kay Onesimus
8Ngayon, bilang apostol ni Cristo, maaari kitang utusan kung ano ang dapat mong gawin, 9pero dahil mahal kita, minarapat kong makiusap na lamang sa iyo. Kaya bilang isang nakatatanda at bilanggo dahil kay Cristo, 10nakikiusap ako sa iyo para kay Onesimus, na sana patawarin mo na siya. Siyaʼy naging anak ko sa pananampalataya rito sa bilangguan. 11Datiʼy wala siyang pakinabang sa iyo, ngunit ngayoʼy kapaki-pakinabang na siya sa ating dalawa.12Pinababalik ko na sa iyo ang minamahal kong si Onesimus. 13Gusto ko sanang dito na muna siya upang sa pamamagitan niya, makakatulong ka sa akin habang nakabilanggo ako dahil sa aking pagpapahayag ng Magandang Balita. 14Ngunit ayaw ko itong gawin nang wala kang pahintulot, upang maging kusang-loob ang iyong pagtulong at hindi sapilitan.
15Marahil nahiwalay siya sa iyo nang saglit upang sa kanyang pagbabalik ay hindi na kayo magkahiwalay pang muli. 16Kahit na alipin mo siya, isa na rin siyang minamahal na kapatid. Napamahal siya sa akin, at lalo na sa iyo, ngayong hindi mo lang siya alipin kundi kapatid pa sa Panginoon.
17Kaya kung itinuturing mo akong kamanggagawa ▼
▼kamanggagawa: o, kapwa mananampalataya.
sa Panginoon, tanggapin mo siya na parang ako ang iyong tinatanggap. 18Kung siya man ay nagkasala o nagkautang sa iyo, ako na lamang ang singilin mo. 19Ako mismo, si Pablo, ang sumulat nito: Ako ang magbabayad sa anumang pagkakautang niya sa iyo. Kahit na kung tutuusin ay utang mo sa akin ang iyong pagkakilala kay Cristo. 20Kaya kapatid, pagbigyan mo sana ang aking kahilingan alang-alang sa Panginoon. Paligayahin mo ang puso ko bilang kapatid kay Cristo. 21Sumulat ako dahil malaki ang tiwala kong pagbibigyan mo ang aking kahilingan, at alam kong higit pa roon ang iyong gagawin. 22Siya nga pala, ipaghanda mo ako ng matutuluyan, dahil umaasa akong makakabalik sa inyo dahil sa inyong panalangin.
Pangwakas na Pagbati
23Kinukumusta ka ni Epafras na kapwa ko bilanggo dahil kay Cristo Jesus. 24Kinukumusta ka rin ng mga kamanggagawa kong sina Marcos, Aristarcus, Demas at Lucas.25Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Jesu-Cristo.
Copyright information for
TglASD