Numbers 34
Ang mga Hangganan ng Canaan
1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Sabihin mo sa mga Israelita na kung papasok na sila sa Canaan, ito ang mga hangganan ng lupain na kanilang mamanahin:3“Ang hangganan sa timog ay ang ilang ng Zin sa may hangganan ng Edom. Magsisimula ito sa katimugang bahagi ng Dagat na Patay. ▼
▼Dagat na Patay: sa literal, napakaalat na dagat. Ganito rin sa talatang 12.
4At liliko ito patimog papunta sa Daang Paahon ng Akrabim, hanggang sa ilang ng Zin, at magpapatuloy sa timog ng Kadesh Barnea. Pagkatapos, didiretso ito sa Hazar Adar hanggang sa Azmon, 5at liliko papunta sa Lambak ng Egipto at magtatapos sa Dagat ng Mediteraneo. 6“Ang hangganan sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo.
7“Ang hangganan sa hilaga ay magmumula sa Dagat ng Mediteraneo papunta sa Bundok ng Hor, 8at mula sa Bundok ng Hor papunta sa Lebo Hamat. Magpapatuloy ito sa Zedad, 9hanggang sa Zifron at magtatapos sa Hazar Enan.
10“Ang hangganan sa silangan ay magmumula sa Hazar Enan papunta sa Shefam. 11Pagkatapos, bababa ito papunta sa Ribla, sa bandang silangan ng Ain, at magpapatuloy ito sa mga burol sa silangan ng Lawa ng Galilea. ▼
▼Lawa ng Galilea: sa Hebreo, Lawa ng Kineret.
12Pagkatapos, bababa ito sa Jordan at magtatapos sa Dagat na Patay.“Ito ang inyong lupain, at ang mga hangganan nito sa palibot.”
13Pagkatapos, sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Hatiin ninyo ang mga lupaing ito bilang inyong mana sa pamamagitan ng palabunutan. Sinabi ng Panginoon na ibigay ito sa siyam at kalahating lahi, 14– 15Dahil ang lahi nina Reuben, Gad, at ng kalahating lahi ni Manase ay nakatanggap na ng kanilang mana sa bandang silangan ng Jordan malapit sa Jerico.”
16Sinabi ng Panginoon kay Moises, 17“Sina Eleazar na pari at Josue na anak ni Nun ang maghahati-hati ng lupain para sa mga tao. 18At pumili ka ng isang pinuno sa bawat lahi para tulungan sila sa paghahati ng lupain.” 19– 20– 21– 22– 23– 24– 25– 26– 27–
28 ▼
29Sila ang mga pinili ng Panginoon para tumulong sa paghahati-hati ng lupain ng Canaan bilang mana ng mga Israelita. ▼The text of verses 19-Num 34:28 has been merged.
Ito ang pangalan ng mga pinili:Lahi | Pinuno |
Juda | Caleb na anak ni Jefune |
Simeon | Shemuel na anak ni Amihud |
Benjamin | Elidad na anak ni Kislon |
Dan | Buki na anak ni Jogli |
Manase na anak ni Jose | Haniel na anak ni Efod |
Efraim na anak ni Jose | Kemuel na anak ni Siftan |
Zebulun | Elizafan na anak ni Parnac |
Isacar | Paltiel na anak ni Azan |
Asher | Ahihud na anak ni Shelomi |
Naftali | Pedahel na anak ni Amihud |
Copyright information for
TglASD