‏ Numbers 2

Ang Pagkakaayos ng Kampo ng mga Israelita

1Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, 2“Magkakampo ang bawat lahi ng Israel sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ang Toldang Tipanan ay ilalagay sa gitna ng kampo. 3 4 5 6 7
8
The text of verses 3-Num 2:8 has been merged.
Ang mga lahi nina Juda, Isacar at Zebulun ay magkakampo sa silangan, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at ang bilang ng kanilang mga tauhan:

Lahi     Pinuno     Bilang
Juda     Nashon na anak ni Aminadab     74,600
Isacar     Netanel na anak ni Zuar     54,400
Zebulun     Eliab na anak ni Helon     57,400

9Ang bilang ng lahat ng grupong ito na pinangungunahan ng lahi ni Juda ay 186,400. Sila ang nasa unahan kapag naglalakbay ang mga Israelita.

10 11 12 13 14
15
The text of verses 10-Num 2:15 has been merged.
“Ang mga lahi nina Reuben, Simeon at Gad ay magkakampo sa timog, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at ang bilang ng kanilang mga tauhan:

Lahi     Pinuno     Bilang
Reuben     Elizur na anak ni Sedeur     46,500
Simeon     Selumiel na anak ni Zurishadai     59,300
Gad     Eliasaf na anak ni Deuel     45,650

16Ang bilang ng lahat ng grupong ito na pinangungunahan ng lahi ni Reuben ay 151,450. Sila ang ikalawang grupo sa linya kapag naglalakbay ang mga Israelita.

17“Kasunod nila ang mga Levita na nagdadala ng Toldang Tipanan. Ang lahat ng lahi ay maglalakad ng magkakasunod gaya ng kanilang posisyon kapag nagkakampo sila, bawat lahi ay nasa ilalim ng kani-kanilang bandila.

18 19 20 21 22
23
The text of verses 18-Num 2:23 has been merged.
“Ang mga lahi nina Efraim, Manase at Benjamin ay magkakampo sa kanluran, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at bilang ng kanilang mga tauhan:

Lahi     Pinuno     Bilang
Efraim     Elishama na anak ni Amihud     40,500
Manase     Gamaliel na anak ni Pedazur     32,200
Benjamin     Abidan na anak ni Gideoni     35,400

24Ang bilang ng lahat ng grupong ito na pinangungunahan ng lahi ni Efraim ay 108,100. Sila ang susunod sa lahi ni Levi kapag naglalakbay ang mga Israelita.

25 26 27 28 29
30
The text of verses 25-Num 2:30 has been merged.
“Ang mga lahi nina Dan, Asher at Naftali ay magkakampo sa hilaga, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at ang bilang ng kanilang mga tauhan:

Lahi     Pinuno     Bilang
Dan     Ahiezer na anak ni Amishadai     62,700
Asher     Pagiel na anak ni Ocran     41,500
Naftali     Ahira na anak ni Enan     53,400

31Ang bilang ng lahat ng grupong ito na pinangungunahan ng lahi ni Dan ay 157,600. Sila ang kahuli-hulihang grupo sa linya kapag naglalakbay ang mga Israelita.”

32Ang kabuuang bilang ng mga Israelita na nailista ayon sa kanilang lahi ay 603,550 lahat. 33Pero hindi kasama rito ang mga Levita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

34Kaya ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises. Ang bawat lahi ay nagkampo at naglakbay sa ilalim ng kani-kanilang bandila ayon sa kani-kanilang lahi at pamilya.

Copyright information for TglASD