Nahum 2
Ang Pagkawasak ng Nineve
1Mga taga-Nineve, sinasalakay na kayo ng inyong mga kalaban na magpapangalat sa inyo. Kaya guwardyahan ninyo ang pader ng inyong lungsod at bantayan ang mga daan. Tipunin ninyo ang inyong mga sundalo at humanda kayo sa digmaan. 2Kahit na nilipol ninyo ang Israel at Juda ▼▼Israel at Juda: sa Hebreo, Jacob at Israel.
na parang mga tanim na ubas ▼▼na parang … ubas: o, at nawala ang kanilang mga awit.
na pinatay, ibabalik ng Panginoon ang kanilang kapangyarihan. 3Pula ang kalasag at damit ng mga sundalo ng inyong kalaban. At sa oras ng kanilang pagsalakay kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe at nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo. ▼
▼nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, iwinawagayway nila ang kanilang mga (sibat na gawa sa) kahoy na sipres.
4Humahagibis ang kanilang mga karwahe sa mga lansangan, parooʼt parito na sumusugod sa mga plasa. Nagliliwanag ang mga ito na parang sulo, at kumikislap na parang kidlat. 5Inuutusan ng hari ang mga opisyal ng mga kawal. Nagkakandarapa sila papunta sa mga pader para maglagay ng mga pananggalang para sa mga sundalong wawasak ng pader. 6Mabubuksan ang mga pintuan ng inyong lungsod sa bandang ilog at magigiba ang palasyo. 7Naipahayag na, na bibihagin kayo ▼▼bibihagin kayo: sa literal, huhubaran kayo.
at dadalhin sa ibang bayan. Uungol ang inyong mga utusang babae na parang kalapati habang dinadagukan nila ang kanilang dibdib dahil sa kalungkutan. 8Ang mga taong tumatakas mula sa Nineve ay parang tubig na umagos mula sa nawasak na imbakan ng tubig. Ang mga tumatakas ay pinapabalik ng kanilang mga kasama pero wala ni isa mang bumalik. 9 Kayong mga sumasalakay sa Nineve, kunin ninyo ang mga pilak at ginto ng lungsod na ito dahil puno ito ng kayamanan. 10Malilipol, mawawasak at magiging mapanglaw na ang Nineve! Kaya natatakot ang mga mamamayan nito, nanghihina ang buong katawan nila, nanginginig ang kanilang mga tuhod, at namumutla silang lahat. 11– 12Ang Nineve ay parang yungib na tinitirhan ng mag-asawang leon at ng mga anak nito. Walang pwedeng manakit sa kanila sa yungib. Pinapatay at nilalapa ng lalaking leon ang kanyang biktima at ibinibigay sa kanyang asawa at mga anak. Pinupuno niya ang kanyang yungib ng karne ng kanyang mga biktima. ▼
▼Ang ibig sabihin nito ay nag-iisip ang mga taga-Nineve na walang gagalaw sa kanila. Sinasalakay nila ang ibang mga bansa, sinasamsam ang mga ari-arian nito at dinadala sa kanilang lugar para ang kanilang mga mamamayan ay makinabang.
Pero ngayon, ang Nineve ay wawasakin na. 13Sapagkat sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Makinig kayong mga taga-Nineve! Kalaban ko kayo! Kaya susunugin ko ang inyong mga karwahe at mamamatay sa digmaan ang inyong mga kawal. ▼▼mga kawal: sa literal, mga batang leon.
Wawakasan ko na ang inyong pambibiktima sa lupain. Hindi na kayo makapagpapadala ng mga mensahero sa ibang bansa.”
Copyright information for
TglASD