‏ Malachi 1

1Ito ang mensahe ng Panginoon para sa mga taga-Israel sa pamamagitan ni Malakias.

Mahal ng Dios ang mga Israelita

2 Sinabi ng Panginoon, “Mahal ko kayo. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano mo kami minahal?’ Alalahanin ninyo na kahit magkapatid sina Esau at Jacob, minahal
minahal: o, pinili.
ko si Jacob
3pero si Esau, hindi. Winasak ko ang kanyang mga kabundukan, kaya naging tirahan na lamang ng mga asong-gubat.

4“Maaaring sabihin ng mga Edomita na mga lahi ni Esau, ‘Kahit na winasak ang aming bayan, itoʼy muli naming itatayo.’ Ako, ang Panginoong Makapangyarihan ay nagsasabi: Kahit na itayo nilang muli ang kanilang bayan, gigibain ko pa rin ito. Tatawagin silang ‘masamang bansa’ at ‘mga mamamayang laging kinapopootan ng Panginoon.’ 5Makikita ninyo ang kanilang pagkawasak at sasabihin ninyo, ‘Makapangyarihan ang Panginoon kahit sa labas ng Israel.’ ”

Sinaway ng Panginoon ang mga Pari

6Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa mga pari, “Iginagalang ng anak ang kanyang ama at iginagalang ng alipin ang kanyang amo. Pero bakit ako na inyong ama at amo ay hindi ninyo iginagalang? Nilalapastangan ninyo ako. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano ka namin nilalapastangan?’ 7Nilalapastangan ninyo ako sa pamamagitan ng paghahandog ng maruruming
marurumi: Ang ibig sabihin hindi dapat ihandog sa Dios.
handog sa aking altar. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano naging marumi ang aming handog?’
Paano … handog?: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, Paano ka namin nadungisan?
Naging marumi ang inyong handog dahil sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang aking altar.
8Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na bulag, pilay o may sakit. Hindi tama iyan. Ganyan kaya ang ihandog ninyo sa inyong gobernador at tingnan nʼyo kung matutuwa at malulugod siya sa inyo.”

9 Sinabi ni Malakias, “Kayong mga pari, hilingin ninyo sa Dios na kaawaan niya tayo. Pero sa ganyang klaseng mga inihahandog ninyo sa kanya, tiyak na hindi niya kayo kalulugdan. Iyan ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon.”

10Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “May isa sana sa mga pari nʼyo na magsara ng mga pintuan ng aking templo, upang hindi na kayo magsisindi ng walang kabuluhang apoy sa aking altar. Hindi ko tatanggapin ang inyong mga handog dahil hindi ako nalulugod sa inyo. 11Ang totoo, pinupuri ang aking pangalan ng mga bansa, mula silangan hanggang kanluran.
mula silangan hanggang kanluran: sa literal, mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Kahit saan nagsusunog ang mga tao ng insenso at naghahandog
pinupuri … nagsusunog … naghahandog: o, pupurihin … magsusunog … maghahandog.
ng malinis
malinis: Ang ibig sabihin, maaaring ihandog sa Dios.
na handog sa akin na Panginoong Makapangyarihan.
12Pero kayo, nilalapastangan ninyo ako, dahil sinasabi ninyong marumi ang aking altar at walang kabuluhan ang mga inihahandog doon. 13Sinasabi pa ninyo na nagsasawa na kayo sa paghahandog at binabalewala ninyo ang aking altar.
ang aking altar: o, ako.
Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na may sugat,
may sugat: o, ninakaw.
pilay o may sakit. Akala ba ninyoʼy tatanggapin ko iyan?
14Susumpain ko ang mga mandaraya sa inyo, na nangakong maghahandog ng pinakamabuting hayop pero ang inihahandog ay ang may kapintasan. Susumpain ko siya dahil ako ang makapangyarihang hari na kinatatakutan ng mga bansa. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Copyright information for TglASD