Joshua 15
Ang mga Lupain na Ibinigay kay Juda
1Ito ang mga lupaing natanggap ng lahi ni Juda, na hinati ayon sa bawat sambahayan: Ang lupain ay umaabot sa hangganan ng Edom sa timog, sa dulo ng ilang ng Zin. 2Ang kanilang hangganan sa timog ay nagsisimula sa baybayin ng katimugang bahagi ng Dagat na Patay ▼▼Dagat na Patay: sa Hebreo, napakaalat na dagat.
3papunta sa timog ng Daang Paahon ng Akrabim hanggang sa ilang ng Zin papunta sa timog ng Kadesh Barnea, at lumampas sa Hezron paakyat sa Adar at paliko papunta sa Karka, 4papunta sa Azmon, sa Lambak ng Egipto at sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan ng Juda sa timog. 5Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat na Patay hanggang sa labasan ng tubig ng Ilog ng Jordan.Ang hangganan sa hilaga ay nagmula roon sa labasan ng tubig ng Ilog ng Jordan, 6paakyat sa Bet Hogla, at papunta sa hilaga ng Bet Araba hanggang sa Bato ni Bohan. (Si Bohan ay anak ni Reuben.) 7Mula rito, papunta sa Lambak ng Acor ▼
▼Acor: Ang ibig sabihin, kaguluhan.
hanggang sa Debir, at paliko sa hilaga papunta sa Gilgal na nakaharap sa Daang Paahon ng Adumim sa katimugang bahagi ng daluyan ng tubig. At umaabot ito papunta sa mga bukal ng En Shemesh at palabas ng En Rogel. 8Mula roon papunta sa Lambak ng Ben Hinom hanggang sa katimugang libis ng lungsod ng mga Jebuseo. (Ito ay ang Jerusalem.) Mula roon, paahon sa tuktok ng bundok sa kanluran ng Lambak ng Ben Hinom sa dulo ng hilagang bahagi ng Lambak ng Refaim. 9At mula roon, papunta sa Bukal ng Neftoa, palabas sa mga bayan na malapit sa Bundok ng Efron. Mula roon, pababa sa Baala (na siyang Kiriat Jearim), 10lumiko sa bandang kanluran ng Baala papunta sa Bundok ng Seir. Pagkatapos, papunta ito sa hilagang bahagi ng libis ng Bundok ng Jearim (na siyang Kesalon), papunta sa Bet Shemesh at dumadaan sa Timnah. 11Mula roon, nagpatuloy ito sa hilagang bahagi ng libis ng Ekron at paliko papunta sa Shikeron, at dumaraan sa Bundok ng Baala hanggang sa Jabneel. Ang hangganan nito ay ang Dagat ng Mediteraneo, 12at ito rin ang hangganan sa kanluran. Iyon ang mga hangganan sa paligid ng lupaing hinati sa mga sambahayan ng lahi ni Juda. Ang Lupaing Ibinigay kay Caleb
(Hukom 1:11-15)
13Inutos ng Panginoon kay Josue na ibigay niya ang isang bahagi ng lupain ng lahi ni Juda kay Caleb na anak ni Jefune. Ang lupaing ito ay ang Kiriat Arba, na siyang Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.) 14Pinalayas ni Caleb sa lupaing iyon ang tatlong lahi ni Anak: ang mga sambahayan nina Sheshai, Ahiman at Talmai. 15Mula roon nilusob niya ang mga nakatira sa Debir (na noon ay tinatawag na Kiriat Sefer). 16Sinabi ni Caleb, “Ibibigay ko bilang asawa ang anak kong si Acsa sa lalaking makakaagaw ng Kiriat Sefer.” 17Si Otniel na anak ni Kenaz na kapatid ni Caleb ang nakaagaw ng lungsod. Kaya sa kanya ibinigay ni Caleb ang anak niyang si Acsa para maging asawa. 18Nang ikinasal na sila, hinikayat ni Acsa ang asawa niya na humingi sila ng dagdag na lupain sa ama nito. Pagkatapos, pumunta si Acsa kay Caleb, at nang makababa na siya sa kanyang asno, tinanong siya ni Caleb kung ano ang kailangan niya. 19Sumagot si Acsa, “Hihingi po sana ako ng pabor sa inyo, gusto ko po sanang bigyan nʼyo ako ng lupaing may mga bukal dahil ang lupaing ibinigay nʼyo sa akin sa Negev ay walang bukal.” Kaya ibinigay sa kanya ni Caleb ang lugar na may mga bukal sa itaas at sa ibaba ng Negev.Ang mga Lungsod ng Juda
20Ito ang mga lungsod na natanggap ng lahi ni Juda na hinati ayon sa bawat sambahayan:21Ang mga bayan sa timog, sa pinakadulo ng Negev malapit sa hangganan ng Edom: Kabzeel, Eder, Jagur, 22Kina, Dimona, Adada, 23Kedesh, Hazor, Itnan, 24Zif, Telem, Bealot, 25Hazor Hadata, Keriot Hezron (na siyang Hazor), 26Amam, Shema, Molada, 27Hazar Gada, Heshmon, Bet Pelet, 28Hazar Shual, Beersheba, Biziotia, 29Baala, Iim, Ezem, 30Eltolad, Kesil, Horma, 31Ziklag, Madmana, Sansana, 32Lebaot, Shilhim, Ayin at Rimon – 29 na bayan lahat, kasama ang mga bayan at mga baryo sa paligid nito.
33Ang mga bayan sa kaburulan sa kanluran ▼
▼kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.
: Estaol, Zora, Ashna, 34Zanoa, En Ganim, Tapua, Enam, 35Jarmut, Adulam, Soco, Azeka, 36Shaaraim, Aditaim, Gedera (o Gederotaim) – 14 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito. 37 Kasama rin ang Zenan, Hadasha, Migdal Gad, 38Dilean, Mizpa, Jokteel, 39Lakish, Bozkat, Eglon, 40Cabon, Lamas, Kitlis, 41Gederot, Bet Dagon, Naama at Makeda – 16 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
42 Kasama pa ang Libna, Eter, Ashan, 43Ifta, Ashna, Nezib, 44Keila, Aczib at Maresha – 9 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
45 Ganoon din ang Ekron at ang mga bayan at baryo sa paligid nito, 46at ang lahat ng bayan at mga baryo na malapit sa Ashdod mula sa Ekron papunta sa Dagat ng Mediteraneo. 47Ang Ashdod at Gaza, kasama ang mga bayan nito at mga baryo hanggang sa Lambak ng Egipto at sa baybayin ng Dagat ng Mediteraneo.
48 Ang mga bayan sa kabundukan: Shamir, Jatir, Soco, 49Dana, Kiriat Sana (na siyang Debir), 50Anab, Estemo, Anim, 51Goshen, Holon at Gilo – 11 bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
52 Ganoon din ang Arab, Duma, Eshan, 53Janim, Bet Tapua, Afek, 54Humta, Kiriat Arba (na siyang Hebron) at Zior – 9 bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
55 Kabilang din ang Maon, Carmel, Zif, Juta, 56Jezreel, Jokdeam, Zanoa 57Kain, Gibea at Timnah – 10 bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
58 Ganoon din ang Halhul, Bet Zur at Gedor, 59Maarat, Bet Anot at Eltekon – 6 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito. 60Ang Kiriat Baal (na siyang Kiriat Jearim) at ang Rabba – 2 bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
61Ang mga bayan sa ilang: Bet Araba, Midin, Secaca, 62Nibshan, ang bayan ng Asin at ang En Gedi – 6 na bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
63Pero hindi mapaalis ng lahi ng Juda ang mga Jebuseo na nakatira sa Jerusalem. Kaya hanggang ngayon doon pa sila nakatira kasama ng mga mamamayan ng Juda.
Copyright information for
TglASD