Job 40
1Sinabi pa ng Panginoon kay Job, 2“Makikipagtalo ka ba sa akin na Makapangyarihang Dios? Sinasabi mong nagkamali ako. Ngayon, sagutin mo ako.” 3Kaya sinagot ni Job ang Panginoon,4“Hindi po ako karapat-dapat na sumagot sa inyo. Tatahimik na lang po ako. 5Marami na akong nasabi, kaya hindi na po ako magsasalita.” 6Muling sinabi ng Panginoon kay Job mula sa ipu-ipo,
7“Ihanda mo ang iyong sarili, at sagutin mo ang mga tanong ko.
8“Gusto mo bang patunayan na mali ako para palabasin na ikaw ang tama? 9Ikaw baʼy makapangyarihang tulad ko? Magagawa mo bang parang kulog ang tinig mo na katulad ng sa akin? 10Kung magagawa mo iyan, patunayan mo na ikaw ngaʼy makapangyarihan, marangal at dakila. 11– 12Ipakita mo ang matindi mong galit sa taong mayayabang at ibagsak sila. Wasakin mo ang taong masasama sa kanilang kinatatayuan. 13Ilibing mo silang lahat sa lupa, sa lugar ng mga patay. 14Kapag nagawa mo ang mga ito, ako ang pupuri sa iyo at tatanggapin ko na may kakayahan ka ngang iligtas ang iyong sarili.
15“Tingnan mo ang hayop na Behemot, ▼
▼hayop na Behemot: Maaaring isang elepante o hipopotamus o dambuhalang hayop panlupa.
nilalang ko rin siya katulad mo. Kumakain ito ng damo na tulad ng baka, 16pero napakalakas nito, at napakatibay ng katawan. 17Ang buntot niyaʼy tuwid na tuwid na parang kahoy ng sedro, at ang mga hitaʼy matipuno. 18Ang mga buto nitoʼy kasintibay ng tubong tanso o bakal. 19Kahanga-hanga siya sa lahat ng aking nilalang. Pero ako na Manlilikha niya ay hindi niya matatalo. 20Nanginginain siya sa mga kabundukan habang naglalaro ang mga hayop sa gubat malapit sa kanya. 21Nagpapahinga siya sa matitinik na halamang natatabunan ng talahib. 22Ang mga halamang matinik at ang iba pang mga punongkahoy sa tabi ng batis ay nagiging kanlungan niya. 23Hindi siya natatakot kahit na rumaragasa ang tubig sa ilog. Tahimik pa rin siya kahit halos natatabunan na siya ng tubig sa Ilog ng Jordan. 24Sino ang makakahuli sa kanya sa pamamagitan ng pagbulag sa kanya? Sino ang makakabitag sa kanya at makakakawit sa ilong niya?
Copyright information for
TglASD