Job 39
1“Alam mo ba kung kailan nanganganak ang mga kambing-gubat? Nakakita ka na ba ng usa na nanganganak? 2Binibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak? At alam mo rin ba kung kailan sila manganganak? 3Nakayukyok silaʼt nagtitiis ng hirap hanggang sa makapanganak. 4Paglaki ng kanilang mga anak sa kagubatan, umaalis sila at hindi na bumabalik.5“Sino ang nagpalaya sa asnong-gubat? 6Ibinigay ko sa kanya ang ilang para kanyang tirhan, pinatira ko siya sa lupaing pinabayaan. 7Lumalayo siya sa maingay na bayan at ayaw niyang siya ay mapaamo. 8Paikot-ikot siya sa mga kabundukan para maghanap ng sariwang pastulan.
9“Mapagtatrabaho mo ba ang bakang-gubat? Mapapanatili mo kaya siya sa kanyang kulungan kung gabi? 10Matatalian mo kaya siya at mapag-aararo sa iyong bukid? 11Makakaasa ka kaya sa lakas niya para gawin ang mabibigat na gawain? 12Maaasahan mo kaya siyang tipunin at hakutin ang iyong ani papunta sa giikan?
13“Napakagandang tingnan ng pakpak ng malaking ibong ▼
▼malaking ibon: o, “ostrich.” Ganito rin sa talatang 14.
kapag itoʼy pumapagaspas, pero hindi nito mapantayan ang ganda ng pakpak ng tagak. 14Iniiwanan ng malaking ibong ito ang kanyang mga itlog sa lupa para mainitan. 15Hindi siya nag-aalalang baka matapakan ito o madaganan ng mga hayop sa gubat. 16Malupit siya sa kanyang mga sisiw, parang hindi kanya kung ituring. Hindi siya nag-aalala na ang pinaghirapan niya ay mawawalan ng kabuluhan. 17Sapagkat hindi ko siya binigyan ng karunungan at pang-unawa. 18Pero kapag tumakbo na siya, tinatawanan niya ang kabayo at ang sakay nito. 19“Job, ikaw ba ang nagbibigay ng lakas sa kabayo? Ikaw din ba ang naglagay ng kanyang kiling? ▼
▼kiling: o, buhok ng kabayo sa kanyang leeg.
20Ikaw ba ang nagpapalukso sa kanya gaya ng isang balang at nagpapatakot sa mga tao kapag siya ay sumisinghal? 21Kumakahig siya sa lupa na parang ipinagmamalaki ang kanyang lakas. Pagkatapos ay tumatakbo siya papunta sa digmaan. 22Wala siyang kinatatakutan, ni hindi siya natatakot sa espada. ▼▼espada: o, labanan.
23Kumakalansing at kumikislap ang mga sandata ng sumasakay sa kanya. 24Lumilipad ang alikabok sa bilis ng kanyang pagtakbo. Hindi na siya mapigilan kapag tumunog na ang trumpeta. 25Sumisinghal siya kapag naririnig ang trumpeta. Naaamoy niya ang digmaan kahit sa malayo, at naririnig niya ang ingay ng digmaan at ang sigaw ng mga kumander. 26“Ikaw ba ang nagtuturo sa lawin na lumipad at pumunta sa timog? 27Ikaw ba ang nag-uutos sa agila na lumipad at gumawa ng kanyang pugad sa mataas na dako? 28Nakatira ang agila sa mataas na bato. Ang matarik na lugar ang kanyang taguan. 29Mula roon naghahanap siya ng madadagit, kahit ang malayo ay naaabot ng kanyang paningin. 30At kapag may nakita siyang bangkay ay pinupuntahan niya, at ang dugo nito ang iniinom ng kanyang mga inakay.”
Copyright information for
TglASD