Isaiah 8
Ipinanganak ang Anak na Lalaki ni Isaias
1Sinabi ng Panginoon sa akin, “Kumuha ka ng isang malapad na sulatan, at isulat mo ang mga katagang ito: ‘Maher Shalal Hash Baz.’ ” ▼▼Maher Shalal Hash Baz: Ang ibig sabihin, mabilis kumuha, mabilis umagaw. Ganito rin sa talatang 3.
2Kumuha ako ng dalawang mapagkakatiwalaang saksi na magpapatunay na isinulat ko nga ito. Sila ay sina Uria na pari, at Zacarias na anak ni Jeberekia. 3Pagkatapos, sumiping ako sa aking asawa. Hindi nagtagal, naglihi siya at nanganak ng lalaki. Sinabi ng Panginoon sa akin, “Pangalanan mo siyang Maher Shalal Hash Baz. 4Bago matutong tumawag ang bata ng ‘tatay’ o ‘nanay,’ ang kayamanan ng Damascus at ang mga sinamsam ng Samaria ay kukunin ng hari ng Asiria.”
5Sinabi pa ng Panginoon sa akin, 6“Dahil sa tinanggihan ng mga taong ito ▼
▼mga taong ito: mga taga-Juda.
ang tubig ng Shiloa na umaagos nang banayad, ▼▼ang tubig ng Shiloa na umaagos nang banayad: Maaaring ang ibig sabihin ay ang proteksyon ng Dios.
at natutuwa sila kay Haring Rezin at Haring Peka, 7ipapasalakay ko sila sa hari ng Asiria at sa mga sundalo nito na parang Ilog ng Eufrates na bumabaha at umaapaw sa kanyang mga pampang. 8Dadagsa sila sa Juda gaya ng baha na ang tubig ay tumataas hanggang leeg at umaapaw sa buong lupain.”Pero kasama namin ang Dios! ▼
▼kasama namin ang Dios: sa Hebreo, Emmanuel.
9Kayong mga bansa, kahit na magsama-sama kayo, magkakawatak-watak pa rin kayo. Makinig kayong mga nasa malayo! Kahit na maghanda pa kayo sa pakikipagdigma, matatalo pa rin kayo. 10Anuman ang binabalak ninyo laban sa amin ay hindi magtatagumpay, dahil kasama namin ang Dios. ▼▼kasama namin ang Dios: Tingnan ang footnote sa talatang 8.
Panawagan ng Pagtitiwala sa Dios
11Mariin akong binalaan ng Panginoon na huwag kong gagayahin ang pamamaraan ng mga kababayan ko. 12Sinabi rin niya, “Huwag kayong makikipag-isa sa ibang mga bansa katulad ng ginagawa ng iba. Huwag kayong matatakot sa kinakatakutan nila, at huwag kayong kabahan. 13Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ay dapat ninyong kilalaning banal. Ako ang dapat ninyong katakutan. 14Ako ang magiging kanlungan ninyo. Pero sa mga taga-Israel at taga-Juda, katulad ako ng isang batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. At para sa mga taga-Jerusalem, para akong isang bitag. 15Marami sa kanila ang matitisod, madadapa at mapapahamak. Masisilo sila at mahuhuli.”16Kayong mga tagasunod ko, ingatan ninyo ang mga aral ko. 17Magtitiwala ako sa Panginoon kahit na tinalikuran niya ang lahi ni Jacob. Sa kanya ako aasa. 18Ako at ang mga anak kong ibinigay ng Panginoon ay mga palatandaan para sa Israel ▼
▼mga palatandaan para sa Israel: Ang ibig sabihin ay may kahulugan ang kanilang mga pangalan para sa Israel.
mula sa Panginoong Makapangyarihan na nakatira sa Bundok ng Zion. 19Kapag may mga nagsasabi sa inyong humingi kayo ng mensahe mula sa mga patay sa pamamagitan ng mga mangkukulam at mga espiritistang bumubulong-bulong, huwag ninyong gagawin iyon. Hindi ba dapat sa Dios kayo humingi ng mensahe? Bakit sa mga patay kayo nagtatanong tungkol sa mga buhay? 20Ang kautusan at katuruan ng Panginoon ang dapat ninyong pakinggan. Kapag may mga nagsasabi ng mga bagay na salungat sa mga itinuturo ng Panginoon, nadidiliman pa ang pag-iisip ng mga taong iyon. 21Lalakad sila na pagod at gutom. At dahil sa gutom, magagalit sila at susumpain ang hari nila at ang kanilang Dios. Tumingala man sila sa langit 22o tumingin sa lupa wala silang makikita kundi kahirapan at kadiliman. At doon sila dadalhin sa matinding kadiliman.
Copyright information for
TglASD