Hosea 6
Hindi Tapat ang Pagsisisi ng Israel
1 Nag-usap-usap ang mga taga-Israel. Sabi nila, “Halikayo! Magbalik-loob tayo sa Panginoon. Sinaktan niya tayo, kaya siya rin ang magpapagaling sa atin. 2Para tayong mga patay na agad niyang bubuhayin. Hindi magtatagal, ▼▼agad … magtatagal: sa literal, pagkatapos ng ikalawang araw o sa ikatlong araw.
at ibabangon niya tayo para mamuhay sa kanyang presensya. 3Pagsikapan nating makilala ang Panginoon. Siyaʼy tiyak na darating, kasintiyak ng pagsikat ng araw. Darating siya na parang ulan na didilig sa mga lupain.” 4 Pero sinabi ng Panginoon, “O Israel ▼
▼Israel: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 10. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
at Juda, ano ang gagawin ko sa inyo? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay parang ambon o hamog sa umaga na madaling mawala. 5Kaya nga binalaan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta na kayoʼy mapapahamak at mamamatay. Hahatulan ko kayo na kasimbilis ng kidlat. 6Sapagkat hindi ang inyong mga handog ang nais ko, kundi ang inyong pagmamahal. ▼▼pagmamahal: Maaaring ang ibig sabihin, pagmamahal sa Dios; o, pagmamahal sa kapwa.
Mas nanaisin ko pang kilalanin ninyo ako kaysa sa mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog. 7Pero tulad ni Adan, sinira ninyo ang kasunduan natin. Nagtaksil kayo sa akin diyan sa inyong lugar. ▼▼Pero tulad ni Adan … sa inyong lugar: o, Sa lugar ng Adan … sa lugar na iyon.
8Ang bayan ng Gilead ay tirahan ng masasamang tao at mga mamamatay-tao. 9Ang inyong mga pari ay parang mga tulisan na nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem, ▼▼Shekem: Isa ito sa mga bayan kung saan maaaring magtago ang sinumang makapatay ng tao nang hindi sinasadya, at doon ay walang sinumang makakagalaw sa kanya.
at gumagawa ng marami pang nakakahiyang gawain. 10Mga taga-Israel, kakila-kilabot ang nakita ko sa inyo. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan, kaya naging marumi ▼▼marumi: Ang ibig sabihin, hindi na maaaring makabahagi sa mga seremonya sa templo.
kayo. 11Kayo ring mga taga-Juda ay nakatakda nang parusahan.“Gusto ko sanang ibalik ang mabuting kalagayan ng aking mga mamamayan.”
Copyright information for
TglASD