Hosea 3
Si Hoseas at ang Kanyang Asawa
1Sinabi ng Panginoon sa akin, “Umalis ka at ipakita mong muli ang pagmamahal mo sa iyong asawa kahit na nangangalunya siya. Mahalin mo siya katulad ng pagmamahal ko sa mga mamamayan ng Israel kahit na sumasamba sila sa ibang mga dios at gustong maghandog sa kanila ng mga tinapay na may mga pasas.”2Kaya binili ko siya ▼
▼binili ko siya: Hindi matiyak kung siyaʼy kailangang bilhin. Iba-iba ang mga pakahulugan dito.
sa halagang 15 pirasong pilak at apat na sakong sebada. ▼▼apat na sakong sebada: sa Septuagint, tatlong sakong sebada at ilang litrong alak.
3At sinabi ko sa kanya, “Makisama ka sa akin ng mahabang panahon, at huwag ka nang sumiping sa ibang lalaki. Kahit ako ay hindi muna sisiping sa iyo.” 4Nangangahulugan ito na sa mahabang panahon ang mga Israelita ay mawawalan ng hari, pinuno, mga handog, alaalang bato, espesyal na damit ▼▼espesyal na damit: sa Hebreo, efod.
sa panghuhula, at mga dios-diosan. 5Pero sa bandang huli, magbabalik-loob silang muli sa Panginoon nilang Dios at sa lahi ni David na kanilang hari. Buong paggalang silang lalapit sa Panginoon dahil sa kanyang kabutihan.
Copyright information for
TglASD