Hosea 12
1Ang mga taga-Israel ▼▼Israel: sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
ay umaasa sa mga walang kwentang bagay. Buong araw nilang hinahabol ang mga bagay na nagdadala sa kanila sa kapahamakan. Lalo pa silang naging malupit at sinungaling. Nakikipagkasundo sila sa Asiria at sa Egipto, kung kaya nireregaluhan nila ang Egipto ng langis. 2May mga paratang din ang Panginoon laban sa mga taga-Juda na lahi ni Jacob. Parurusahan niya sila ayon sa kanilang pag-uugali; gagantihan niya sila ayon sa kanilang mga ginawa. 3Noong si Jacob na kanilang ninuno ay nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina, nais na niyang lampasan ang kanyang kakambal. ▼
▼nais … kakambal: sa literal, hinahawakan niya ang sakong ng kanyang kapatid.
At noong lumaki na siya, nakipagbuno siya sa Dios 4sa pamamagitan ng anghel, ▼▼anghel: o, sugo ng Dios.
at nagtagumpay siya. Umiiyak siya habang nagmamakaawang pagpalain siya ng anghel. Nakita niya ang Dios sa Betel, at doon nakipag-usap ang Dios sa kanya. ▼▼kanya: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, atin.
5Siya ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat. Panginoon ang kanyang pangalan. 6Kaya kayong mga lahi ni Jacob, magbalik-loob na kayo sa Dios at ipakita ninyo ang pag-ibig at katarungan. At patuloy kayong magtiwala sa kanya.
Dagdag na Sumbat ng Panginoon sa Israel
7 Sinabi ng Panginoon, “Mahilig mandaya ang mga negosyante ninyo. Gumagamit sila ng mga timbangang may daya. 8Nagyayabang pa kayong mga taga-Israel at sinasabing, ‘Nakapag-ipon kami ng kayamanan at napakayaman na namin ngayon. Walang makapagsasabing yumaman kami sa masamang paraan, dahil kasalanan ang gawin iyon.’ 9Kaya ako, ang Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto, ay nagsasabi: Patitirahin ko kayong muli sa mga kubol ▼▼kubol: sa Ingles, “temporary shelter.”
gaya ng ginagawa ninyo noon sa panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. ▼▼Tingnan ang Lev. 23:41-43.
10“Nakipag-usap ako sa mga propeta at binigyan ko sila ng maraming pangitain. Sa pamamagitan nila, nagbabala ako sa inyo na mapapahamak kayo. 11Pero patuloy pa rin ang mga taga-Gilead sa kanilang kasamaan, at sila ay naging walang kabuluhan. At ang mga taga-Gilgal naman ay naghahandog ng mga toro sa kanilang mga dios-diosan. Kaya gigibain ang kanilang mga altar at itoʼy magiging bunton ng mga bato na kinuha sa inararong bukirin.
12“Tumakas si Jacob at pumunta sa Aram ▼
▼Aram: Isang lugar sa Mesopotamia.
at doon naglingkod bilang pastol para magkaasawa. 13Sa pamamagitan ng propetang si Moises, inilabas ko kayong mga Israelita sa Egipto at inalagaan. 14Dahil marami kayong pinatay, ginalit ninyo ako na inyong Panginoon. Kaya parurusahan ko kayo at pagbabayarin sa paglapastangan ninyo sa akin.”
Copyright information for
TglASD