Habakkuk 3
Ang Panalangin ni Habakuk
1Ito ang panalangin ni Propeta Habakuk: ▼▼Sa Hebreo ay may karugtong pang “ayon sa ‘Shigionot’,” na hindi naman malinaw ang ibig sabihin. Maaaring ang ibig sabihin nito ay kung paano aawitin ang nasabing panalangin o kaya, anong instrumento ang gagamitin kapag inawit ito.
2“Panginoon, narinig ko po ang tungkol sa inyong mga ginawa, at ako ay lubos na humanga sa inyo. Gawin nʼyong muli sa aming panahon ang ginawa nʼyo noon. At sa araw na ipadama nʼyo ang inyong galit, maawa kayo sa amin. 3“Ikaw ang Banal na Dios na darating ▼
▼darating: o, dumating.
mula sa Teman at sa Bundok ng Paran. ▼▼Teman at sa Bundok ng Paran: Itoʼy mga lugar sa gawing timog ng Juda na bahagi ng mga lugar na dinaanan ng mga Israelita noong lumabas sila sa Egipto, kung saan kanilang naranasan ang presensya ng Panginoon.
At ang inyong kadakilaan ay makikita sa kalangitan, at dahil dito pupurihin kayo ng mga tao sa mundo. 4Darating kayong kasingliwanag ng araw; may sinag na lumalabas sa inyong mga kamay kung saan nakatago ang inyong kapangyarihan. 5Darating kayong may dalang mga salot. 6Kapag tumayo kayo ay nayayanig ang mundo, at kapag tumingin kayo ay nanginginig sa takot ang mga bansa at gumuguho ang sinaunang kabundukan at kaburulan. Ang inyong mga pamamaraan ay mananatili magpakailanman. 7Nakita kong nagiba ang mga tolda sa Cushan at sa Midian. 8– 9“Panginoon, tulad kayo ng sundalong nakasakay sa karwahe na nagbibigay tagumpay sa labanan. Nakahanda na kayong pumana. Pero sino ang inyong kinapopootan? Ang mga ilog ba at ang mga dagat? Ang mga ilog ba at ang mga dagat? Pinabitak nʼyo ang lupa at lumabas ang tubig. 10Ang mga bundok ay parang mga tao na nanginig nang makita nila kayo. Umulan nang malakas; umugong ang tubig sa dagat at lumaki ang mga alon. 11Tumigil ang araw at ang buwan sa kanilang kinaroroonan sa kislap ng nagliliparan nʼyong pana at kumikinang nʼyong sibat. ▼
▼Ang ibig sabihin, natakpan ng ulap ang araw at ang buwan kaya hindi nadaig ng kanilang liwanag ang liwanag ng kidlat.
12“Sa inyong matinding galit ay tinapakan nʼyo ang mundo at niyurakan ang mga bansa, 13upang iligtas ang mga taong pinili ninyo. Pinatay nʼyo ang pinuno ng masamang kaharian, at lubusang nilipol ang lahat ng kanyang tagasunod. 14Tinuhog nʼyo ng sarili niyang sibat ang ulo ng pinuno ng kanyang mga kawal. Ginawa nʼyo ito nang kami ay kanilang salakayin na parang buhawi upang kami ay pangalatin. Sapagkat kagalakan nila na lipulin kaming mga kawawang nagtatago dahil sa takot. 15Para kayong sundalo na nakasakay sa kabayong nagtatatakbo sa karagatan hanggang sa lumaki ang mga alon.”
16 Sinabi ni Habakuk, “Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanginig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ako at nangatog ang aking mga tuhod. At dahil sa ipinahayag na ito ng Panginoon, matiyaga kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa niya sa mga sumalakay sa amin. 17Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihin sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan, 18magagalak pa rin ako dahil ang Panginoong Dios ang nagliligtas sa akin. 19Siya ang nagbibigay sa akin ng kalakasan. Pinalalakas niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar.” ▼
▼sa Hebreo ay may karugtong pang “Sa direktor ng mga mang-aawit: Gamitin ang mga instrumentong may kwerdas.” Tingnan ang footnote sa 3:1.
Copyright information for
TglASD