‏ Ezra 2

Ang Talaan ng mga Bumalik Mula sa Pagkabihag

(Neh. 7:4-73)

1Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Ngayon umalis na sila sa lugar na iyon at bumalik na sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda. 2Ang mga namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Seraya, Reelaya, Mordecai, Bilshan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana.

Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:

3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19
20
The text of verses 3-Ezr 2:20 has been merged.
Mga angkan nina

Paros     2,172
Shefatia     372
Ara     775
Pahat Moab (mula sa mga pamilya nina Jeshua at Joab)     2,812
Elam     1,254
Zatu     945
Zacai     760
Bani     642
Bebai     623
Azgad     1,222
Adonikam     666
Bigvai     2,056
Adin     454
Ater (na tinatawag ding Hezekia)
na tinatawag ding Hezekia: o, mula sa pamilya ni Hezekia.
   
98
Bezai     323
Jora     112
Hashum     223
Gibar     95

21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34
35
The text of verses 21-Ezr 2:35 has been merged.
Ito ang bilang ng mga tao na nakabalik mula sa pagkabihag, na ang mga ninuno ay nakatira sa mga sumusunod na bayan:

Betlehem     123
Netofa     56
Anatot     128
Azmavet     42
Kiriat Jearim, Kefira, at Beerot     743
Rama at Geba     621
Micmash     122
Betel at Ai     223
Nebo     52
Magbis     156
ang isa pang Elam     1,254
Harim     320
Lod, Hadid, at Ono     725
Jerico     345
Senaa     3,630

36 37 38
39
The text of verses 36-Ezr 2:39 has been merged.
Ito ang mga angkan ng mga pari na bumalik mula sa pagkabihag:

Mga angkan nina

Jedaya (mula sa pamilya ni Jeshua)     973
Imer     1,052
Pashur     1,247
Harim     1,017

40 41
42
The text of verses 40-Ezr 2:42 has been merged.
Ito ang mga angkan ng mga Levita na bumalik din mula sa pagkabihag:

Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavia)     74
Mga mang-aawit sa templo na mula sa angkan ni Asaf     128
Mga guwardya ng pintuan ng templo na mula sa angkan nina Shalum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Shobai     139

43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54
The text of verses 43-Ezr 2:54 has been merged.
Ito naman ang mga angkan ng mga utusan sa templo na bumalik din mula sa pagkabihag:

Mga angkan nina Ziha, Hasufa, Tabaot, Keros, Siaha, Padon, Lebana, Hagaba, Akub, Hagab, Shalmai, Hanan, Gidel, Gahar, Reaya, Rezin, Nekoda, Gazam, Uza, Pasea, Besai, Asna, Meunim, Nefusim, Bakbuk, Hakufa, Harhur, Bazlut, Mehida, Harsha, Barkos, Sisera, Tema, Nezia, at Hatifa.

55 56 57
The text of verses 55-Ezr 2:57 has been merged.
Bumalik din mula sa pagkabihag ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon:

Ang mga angkan nina Sotai, Hasoferet, Peruda, Jaala, Darkon, Gidel, Shefatia, Hatil, Pokeret Hazebaim, at Ami.

58Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga utusan sa templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.

59 60May 652 din na bumalik sa Juda mula sa mga bayan ng Tel Mela, Tel Harsha, Kerub, Adon, at Imer. Sila ang mga angkan nina Delaya, Tobia, at Nekoda, pero hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita.

61Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobaya, Hakoz at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.) 62Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng mga ninuno nila, hindi sila tinanggap na mga pari. 63Pinagbawalan sila ng gobernador ng Juda na kumain ng mga pagkaing inihandog sa Dios habang walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa pagkapari nila sa pamamagitan ng “Urim” at “Thummim”.
“Urim” at “Thummim”: Dalawang bagay na ginagamit sa pagkaalam ng kalooban ng Dios.


64 65 66 67
The text of verses 64-Ezr 2:67 has been merged.
Ang kabuuang bilang ng mga bumalik mula sa pagkabihag ay 42,360, maliban sa 7,337 na mga alipin nila, at 200 lalaki at babaeng mang-aawit. May dala silang 736 na mga kabayo, 245 mola,
mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo.
435 kamelyo, at 6,720 asno.
68Pagdating nila sa templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay ng kusang-loob na tulong sa muling pagpapatayo ng templo sa dati nitong pinagtayuan. 69Nagbigay sila ayon sa makakaya nila para sa gawaing ito. At ang kabuuang natipon nila ay mga 500 kilong ginto, mga 3,000 kilong pilak, at 100 pirasong kasuotan para sa mga pari. 70Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa kani-kanilang bayan, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga mang-aawit, ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang mga utusan sa templo.

Copyright information for TglASD