Ecclesiastes 3
May Kanya-kanyang Oras ang Lahat
1May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo:2May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan;
may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani.
3May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling;
may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo.
4May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa;
may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang.
5May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito;
may oras ng pagsasama ▼
▼pagsasama: sa literal, pagyayakapan.
at may oras ng paghihiwalay.6May oras ng paghahanap at may oras ng paghinto ng paghahanap;
may oras ng pagtatago at may oras ng pagtatapon.
7May oras ng pagpunit at may oras ng pagtahi;
may oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita.
8May oras ng pagmamahal at may oras ng pagkagalit;
may oras ng digmaan at may oras ng kapayapaan.
9 Kung ang mga oras na ito ay itinakda na ng Dios, ano ngayon ang kabuluhan ng pagsisikap ng tao? 10Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Dios para sa tao. 11At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas. 12Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay. 13Gusto ng Dios na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin. 14Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Dios ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Dios para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya. 15Ang mga nangyayari ngayon at ang mga mangyayari pa lang ay nangyari na noon. Inuulit lang ng Dios ang mga pangyayari.
16Nakita ko rin na ang kasamaan ang naghahari rito sa mundo sa halip na katarungan at katuwiran. 17Sinabi ko sa sarili ko, “Hahatulan ng Dios ang matutuwid at masasamang tao, dahil may itinakda siyang oras sa lahat ng bagay. 18Sinusubok ng Dios ang mga tao para ipakita sa kanila na tulad sila ng mga hayop. 19Ang kapalaran ng tao ay tulad ng sa hayop; pareho silang mamamatay. Pareho silang may hininga, kaya walang inilamang ang tao sa hayop. Talagang walang kabuluhan ang lahat! 20Iisa lang ang patutunguhan ng lahat. Lahat ay nagmula sa lupa at sa lupa rin babalik. 21Sino ang nakakaalam kung ang espiritu ng taoʼy umaakyat sa itaas at ang espiritu ng hayop ay bumababa sa ilalim ng lupa?” 22Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao ay magpakasaya sa pinaghirapan niya, dahil para sa kanya iyon. Walang sinumang makapagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari kapag siya ay namatay.
Copyright information for
TglASD