1 Corinthians 16
Tulong para sa mga Taga-Judea
1Ngayon, tungkol naman sa tulong na nalikom para sa mga mananampalataya ▼▼mananampalataya: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya.
ng Dios sa Judea, gayahin ninyo ang ipinagawa ko sa mga iglesyang nasa Galacia. 2Sa bawat Linggo, ang bawat isa sa inyoʼy maglaan na ng halaga ayon sa inyong kita, at ipunin ninyo ito upang pagdating ko riyan ay nakahanda na ang inyong tulong. 3Pagdating ko riyan, papupuntahin ko sa Jerusalem ang mga taong pipiliin ninyo na magdadala ng inyong tulong, at gagawa ako ng sulat na magpapakilala sa kanila. 4At kung kinakailangan ding pumunta ako sa Jerusalem, isasama ko na sila. Mga Plano ni Pablo
5Tutuloy ako riyan sa Corinto pagkagaling ko sa Macedonia dahil kailangan kong dumaan doon. 6Maaaring magtagal ako riyan sa inyo. Baka riyan ako magpalipas ng taglamig, upang matulungan ninyo ako sa mga pangangailangan ko sa susunod kong paglalakbay, bagamaʼt hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. 7Ayaw kong dadaan lang ako sa inyo. Gusto kong magtagal sa piling ninyo kung loloobin ng Panginoon.8Samantala, mananatili ako rito sa Efeso hanggang sa araw ng Pentecostes, 9dahil nabigyan ako ng magandang pagkakataon upang maisulong ang gawain dito, kahit na maraming sumasalungat.
10Kung dumating diyan si Timoteo, asikasuhin ninyo siyang mabuti upang mapanatag ang kanyang kalooban, dahil katulad ko rin siyang naglilingkod sa Panginoon. 11Huwag ninyo siyang hamakin. At sa kanyang pag-alis, tulungan ninyo siya sa kanyang mga pangangailangan upang makabalik siya agad sa akin. Sapagkat inaasahan ko siya na dumating dito kasama ang iba pang mga kapatid sa pananampalataya.
12Tungkol naman sa kapatid nating si Apolos, pinakiusapan ko siyang dumalaw diyan kasama ang ilang mga kapatid, ngunit hindi pa raw sila makakapunta riyan. Dadalaw na lang daw siya kung mayroon siyang pagkakataon.
Katapusang Tagubilin
13Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay. 14At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.15Alam ninyong si Stefanas at ang pamilya niya ang unang naging Cristiano riyan sa Acaya. Inilaan nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga pinabanal ▼
▼pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya.
ng Dios. Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, 16na magpasakop kayo sa kanila at sa lahat ng katulad nila na naglilingkod sa Panginoon. 17Natutuwa ako sa pagdating nina Stefanas, Fortunatus, at Acaicus, dahil kahit wala kayo rito, nandito naman sila, at ginagawa nila sa akin ang hindi ninyo magawa. 18Akoʼy pinasigla nila, at ganoon din kayo. Pahalagahan ninyo ang mga katulad nila.
19Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa lalawigan ng Asia. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila at ng mga mananampalatayang ▼
▼mga mananampalataya: sa literal, iglesya.
nagtitipon sa kanilang tahanan, dahil pareho kayong nasa Panginoon. 20At kinukumusta rin kayong lahat ng mga mananampalataya rito.Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. ▼
▼bilang magkakapatid kay Cristo: sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.
21Akong si Pablo ay nangungumusta rin sa inyo, at ako mismo ang sumusulat ng pagbating ito.
22Parusahan nawa ng Dios ang sinumang hindi nagmamahal sa kanya.
Panginoon, bumalik na po kayo!
23Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Jesus.
24Minamahal ko kayong lahat bilang mga kapatid kay Cristo Jesus.
Copyright information for
TglASD